Saturday, December 1, 2012

90's Timeline Ng Mga Pauso Noon


1995  9-2=7  Ito yung ad ng Eat bulaga na lilipat na sila sa syete 

Panahon na kabi-kabila ang mga banda sa noontime shows (maganda rin that time ala masyadong pamimigay ng pera just to waste time ang isang nasabing show)
  


eat bulaga Eto rin yata dekadang napunta sa primetime ang voltes v,daimos and various animes (late 90s yata)

1994- 3.00 pa isang pop cola ngaun 7 na sa tindahan

1997- 5.00 12oz ng pepsi (remmeber the ad "singkola!") war din ng 12 oz na softdrinx

60p pa isang oras ng dial-up internet sa amin (1997)

Panay ang patugtog ng eheads songs sa 89 dmz (sayang yung radio
station na yun, most remembered e 9 songs sa sticker happy album
pinatugtog nila di ko tuloy alam kung ano ba talaga sa mga songs na
pinatugtog ang official singles)


 DEKADA NINETIES

 Heto ang malupet, puro pang-eighties kasi ang nilalabas na mga reminiscences, siguro talagang sobrang tanda na ng nagsulat. Kaya sa mga pinanganak nung 80's eto ang dadalaw sa inyong mga gunita during the glory days of the 90's.


 1. Jolina Magdangal - kapartner ni Marvin Agustin kung saan  nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30 na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri, Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy, sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

 2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin
 ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o kaya ang mga expressions na "Wala lang", "Ano ba `yan?," "OVEEEERRR," that later on evolved to "WHY NOTTTTTT??"courtesy of Kris Aquino.

 3. Robinson's Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima rito si Alice Dixson na umano'y tumakbong naka-bra at panty lang nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay black propaganda ng Megamall.


 4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade
 games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa
 kasalukuyan). Astig ka kapag pupunta ka ng Glico's sa Quad
(Timezone
 sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o
Virtua
 Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance
Revo!

 5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop "YO!
 WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY!" Sagot ng mga Metal, "HIPHOP
BULOK!! PUNKS' NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!" Uso ito sa Megamall. Mga
hiphop na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy
 pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena
 ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na
 tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)
 tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat
 tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mge
 metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong
 mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven' ng
 Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung
may identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si
FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang
 bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ
Kimozave at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.


 6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.

  Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko' ang pangalawa
 sa `Line to Heaven' na alam gitarahin ng mga gustong maging
katulad ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung
 kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth,
 Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito),
Dahong Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,
 True Faith, Fatal Posporos, Datu's Tribe, Tribal Fish, Arachnida,
 Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang
 (imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas').

eraserheads, ultraelectromagnetictop  7. Ultimate Warrior - namatay daw dahil binuhat si Andre the
 Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya
 dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

 8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo,
 Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si
 April O'Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at
ang
 mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman).
Tapos
 uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM
 toyland. "COWABUNGA, DUDE!"

 9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims
 ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349
 ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na
 nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke
 dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-
 raket lang sila. (Parang 80's yata ito) Ung Uncle Rolly ko, tumanda na't namatay, wala ding nakuha sa scam na to ng Pepsi!

 10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago
 at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN,
 HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na
 gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing
 Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may
supsop
 supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa
 Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman
 everyone went gaga over zagu.

 11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na  itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS COME OEVR. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng
txtmate dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

 12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

 13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una
 na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan
 ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay
kayang
 kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito
 rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na
 naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

 14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay
 tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito,
umikot
 ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.
 Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee
 ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi
 parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw
 na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald's at
 nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung
 iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng
 pambata at pwede ring pang-environmentalist. GO PLANET!!

 15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,
 Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng
 lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si
 Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam
 kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa
siya
 ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan
 kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

 16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang- iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson's Galleria
sa kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at panty si Alice Dixson.

 17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa
 totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal
 Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.


 18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging
 inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila
ni Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay
 nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi
 Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay
 ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman
 nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico
 Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung
 overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot
ay hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan
Youth Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.


 19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang discman na may FM/AM receiver?

 Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na
ang mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese gater, step no, at
 piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.




No comments:

Post a Comment